Alamin kung ano ang kahulugan ng wika
KAHULUGAN NG WIKA – Ang lathalaing ito ay nagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa wika, ang kahulugan, uri, at katangian nito.
Ang wika ay napakahalaging bahagi ng buhay ng tao. Dahil sa wika, naibabahagi ng tao kung ano ang kaniyang iniisip o saloobin tungkol sa mga bagay-bagay. Sa pamamagitan ng wika, naipapaalam din ng tao ang kaniyang nararamdaman.
Ano nga ba ang kahulugan ng wika? Ito ay ang isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar. Ang wika ay inilalarawan din bilang pakikipagtalastasan. Ito ay kalipunan ng mga signo, tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan. Nagagamit ang sistemang ito sa pagpapaabot o pagbabahagi ng kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at pagsusulat.
Mga Uri Ng Wika
Mayroong apat na uri ng wika at narito ang kahulugan ng bawat isa.
- Balbal – Ito ay mga salitang kanto o salitang kalye. Kadalasan ay ginagamit ito sa hindi pormal na usapan. Ito ay tumutukoy rin sa mga salitang nabuo mula sa mga pinagdugtong na salita.
- Lingua franca o Panlalawigan – Ito ay tumutukoy sa salitang ginagamit ng partukular na lalawigan o pook.
- Pambansa – Ito ay ang wika na ginagamit ng buong bansa
- Pampanitikan – Ito ay tinuturing na pinakamayaman na uri at ginagamit sa panitikan katulad ng tayutay, idioma, at iba pa.
Mga Katangian Ng Wika
Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa mga katangian na mayroon ang isang wika at ang paglalarawan ng mga ito.
- Ang wika ay masistemang balangkas – isinaayos ang mga tunog sa sistematikongparaan para makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at panayam
- Ang wika ay sinasalitang tunog – galing sa magkasunud-sunod na tunog na humuhugis sa paraanng mga iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng pagsasalita
- Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog – tumututoy sa mga salitang simbolo
- Ang wika ay komunikasyon – kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap namga tao.
- Ang wika ay pantao – isang eksklusibong pag-aari ng mga tao na sila mismong lumikha at gumagamit
- Ang wika ay kaugnay ng kultura – kultura ng lipunang pinagmumulan nito
- Ang wika ay ginagamit – gamitin na instrumento sa komunikasyon dahil unti-unti itong mawawala kapag hindi ginagamit
- Ang wika ay natatangi – may kaibahan ang bawat wika sa ibang wika
- Ang wika ay dinamiko – patuloy sa pagbabago dahil sa patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao
- Ang wika ay malikhain – may abilidad na makabuo ng walang katapusang dami ngpangungusap