PAGSASALAYSAY: Layunin, Katangian, Paksa

Nartio ang layunin at iba pang aspeto ng pagsasalaysay

PAGSASALAYSAY – Sa artikulong ito, tatalakayain ang layunin, katangian, at mga paksa na maaaring pagkunan ng salaysay pagkatapos malaman ang kahulugan at uri ng pagsasalaysay.

May iba’t-ibang layunin ang isang tao sa paggawa nito. Narito ang ilang mga layunin, ayong sa Filipino.net.

pagsasalaysay

LAYUNIN

  • Pagbibigay-aliw – Magbigay ng aliw o libangan sa mga mambabasa sa pamamagitan ng iba’t-ibang sulatin katulad ng kuwento, tula, at dula na may layunin na magdulot ng kasiyahan, pagtawa, o pagkamangha sa mga mambabasa o manonood.
  • Pagpapahayag ng aral o mensahe – May layuning maghatid ng mga aral o mensahe na mahalaga sa buhay ng tao katulad ng pagpapahalaga sa moralidad, relasyon, o sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
  • Pagpapakilala sa kultura at tradisyon – Ang layuning ito ay tumutukoy sa pagpapakilala ng manunulat ng mga kultura at tradisyon ng isang lugar o pangkat ng mga tao. Sa pamamagitan nito, mapapalawak ang kaalaman at pang-unawa ng mga mambabasa sa iba’t ibang kultura at pamumuhay.
  • Pagpapahayag ng damdamin at saloobin – Ito ay may layunin na ang pagsasalaysay ay maging paraan upang ipahayag ng manunulat ang kanyang mga damdamin, karanasan, o saloobin tungkol sa iba’t ibang usapin at paksa.
  • Pagpapakita ng imahinasyon at pagiging malikhain – Sa layunin na ito, maaaring ipakita ng manunulat ang kanyang imahinasyon at kreatibidad sa paglikha ng mga tauhan, tagpuan, at pangyayari.
  • Pagbibigay ng impormasyon at kaalaman – Ang paghatid ng impormasyon at kaalaman sa mga mambabasa tungkol sa isang tiyak na paksa, lugar, o kaganapan ay isa ring halimbawa ng layunin.

KATANGIAN

  • May kaakit-akit na pamagat ang pagsasalaysay – Ito ay magbibigay sa mga mambabasa ng preview kung ano ang kanilang aasahan sa teksto. Dapat ang pamagat ay makabuluhan, nakakapukaw ng interes, at nagpapakita ng pangunahing paksa ng pagsasalaysay.
  • Mahalaga ang paksang tinatalakay – Dapat ito ay makabuluhan, makatotohanan, at mayroong halaga sa mambabasa, at angmga detalye ay dapat na malinaw at kumpleto. Sa ganito, maiwasan ang pagkakaroon ng pagkakamali sa interpretasyon ng mensahe.
  • Kawili-wili ang panimula – Dapat kawilihan at maghikayat sa mambabasa na patuloy na basahin ang pagsasalaysay. sa panimula pa lamang, dapat na nakakapukaw na ng interes.
  • May angkop na utilisasyon ng mga salita – Gumamit ng mga salitang nagpapakita ng tamang emosyon at tunog. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng mambabasa ang emosyon at damdamin sa binabasa niya.
  • Dapat na maayos ang ugnayan at pamamaraan ng pagkakabuo ng teksto – Siguraduhing organisado ang pagsasalaysay upang maiwasan ang kaguluhan at maihantulad sa isang kuwento. Dapat ang mga pangungusap ay malinaw na nagkakabit sa isa’t isa at gumagamit ng tamang mga konektor upang maiwasan ang pagkalito o pagkawala ng totoong mensahe na gustong iparating.

MGA PAKSA NA MAAARING PAGKUNAN

  • Sariling karanasan – Pinakamadaling at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao dahil nagmula sa personal na pinagdaaanan
  • Nairinig o napakinggan sa iba – Mga usap-usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa.
  • Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa ang maaaring napanood.
  • Likhang- Isip – Likha mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon.
  • Panaginip o Pangarap – Maaaring magamit ang mga pangarap at hangarin ng tao ay bilang batayan sa pagbuo ng isang salaysay.
  • Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa.

Leave a Comment