Anu-ano ang mga teorya ng wika?
TEORYA NG WIKA – Sa artikulong ito, tatalakaying ang kahulugan ng teorya at ang mga teorya ng pinagmulan ng wika.
May ilang mga kuro-kuro kaugnay sa pinagmulan ng wika. Bago alamin ang mga teorya ng pinagmulan ng wika, mas maigi muna na alamin kung ano ang kahulugan ng salitang “teorya.”
Ang teorya ay ideya na naglalayong tumuklas at magpaliwanag ng mga bagay o pangyayari sa daigdig. Sa pamamagitan nito, nakakapagbigay ng balangkas o basehan para maipaliwanag ng mga naoobserbahan. Ang mga ideya na ito ay nagmula sa prediksyon, hula, o palagay ng isang dalubhasa.
Sa ganito, nangangahulugang ang isang ideya o teorya ay nangangailan pa ng suporta o mas matibay pang mga ebidensya upang masabi na ito ay napatunayan na.
Mga Teorya
Teoryang Biblikal – Nagmula ito sa banal na kasulatan, ang Bibliya. Noong gumawa ang mga tao mataas na tore, tinawag ng tore ni Babel, sa pagnanais na makita pa rin nila ang kanilang dako kahit mapalayo sila, ito ay hindi sang-ayon sa Maylikha na nag-utos sa kanila na kalatan ang buong lupa. Dahil dito, nagpasya ang Maylikha na guluhin ang kanilang wika na dahilan ng pagkakaroon nila ng iba’t-ibang lenggwahe.
Teoryang Bow-wow – Ang wika diumano’y nanggaling sa panggagaya ng tao ng tunog ng hayop at kalikasan.
Teoryang Ding-dong – Sa teorya na ito, sinasabi na and wika ay nabuo sa pamamagitan ng panggagaya ng mga tao sa mga tunog ng bagay sa paligid.
Teoryang Pooh-Pooh – Sa ilalim ng teoryang ito, ang wika ay nabuo dahil sa bugso ng damdamin na hindi sinasadyang maipahayag sa pamamagitan ng bibig.
Teoryang Ta-ta – Dito sa teoryang ito, pinaniniwalaan na ang wika ay nagmula sa kumpas ng kamay ng tao, at sakalaunan ay ginaya ng dila at bibig upang makagawa ng tunog. Ang “tata” ay nangangahulugang “paalam” sa salitang Pranses.
Teoryang Yoo-He-Yo – Ayon sa teoryang ito, pinaniniwalaan na ang wika ay bunga ng pisikal na pwersa ng tao.
Basaharin rin ang KAHULUGAN NG WIKA, Uri at Katangian at BARAYTI NG WIKA: Uri At Mga Halimbawa.