Ano ang pagkakaiba ng wika at diyalekto?
Ang artikulong ito ang naglalayong tukuyin ang pagkakaiba ng wika at diyalekto, at ang mga halimbawa nito.
Ang diyalekto ay masasabing bahagi ng barayti ng wika. Sa Pilipinas, maraming diyalekto ang ginagamit dahil ang bansa ay isang arkipelago o binubuo ng maraming isla. Ang mga isla ay magkakalayo at ito ay isang dahilan kung bakit hindi nagkakatulad ng wika ang isang isla sa ibang isla.
Ang diyalekto ay isang sanga lamang ng wika. Ayon sa impormasyon, mayroong 180 bilang ng wika sa buong Pilipinas. Maaari ring sabihin na ang wika ang pinanggalingan ng isang diyalekto.
Ang kahulugan ng wika ay ang isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar. Ang diyalekto naman ay ang iba’t-ibang gamit at pagsasaayos ng mga tunog na ito sa isang wika.
Halimbawa, sa Pilipinas, ang Cebuano ang wika na ginagamit ng pinakamaraming tao ngunit, sa wikang ito, mayroong maraming diyalekto na napapaloob at ito ay nakadepende kung saang probinsya ka o saang rehiyon ng Visayas.
Ang diyalekto ng Cebuano sa Cebu ay iba sa kung ano ang ginagamit sa ibang bahagi ng probinsya ng Negros, Bohol, at mga lugar sa Mindanao. May mga salita na nagkakaiba ang kahulugan depende sa probinsya o rehiyon. Kadalasan, ang kultura ng bawat rehiyon o probinsya ay may malaking impluwensya sa wika at maging sa mga diyalekto na ginagamit ng mga taong nakatira doon.
Sa ganitong paraan, nakikita rin kung gaano ka yaman ang wika na ginagamit ng mga Pilipino na nagsasalamin rin kung gaano kayaman ang kultura ng Pilipinas.
Basahin rin: Teorya Ng Wika: Mga Teorya Ng Pinagmulan Ng Wika