Ang Pambansang Pamahalaan At Kapangyarihan Ng Sangay

Alamin ang pambansang pamahalaan at mga sangay nito.

ANG PAMBANSANG PAMAHALAAN – Ano ang pamahalaan? Alamin ang mga kapangyarihan ng mga sangay nito na magkakaugnay.

Ang pamahalaan ay isang politikal na samahan o organisasyon para itaguyod ang kaayusan ng isang lipunan at mapanatili ang matatag na kaayusan nito. Ito ay may tatlong magkakaugnay na sangay: ang Tagapagbatas, ang Tagapagpaganap, at Tagapaghukom.

Ang Pambansang Pamahalaan

Ang mga sangay na ito ay tinatawag din na Lehislatibo, Ehekutibo, at Hudikatura.

Mga sangay

  • Ang sangay na Tagapagbatas (Lehislatibo)
    Ang mga gumagawa ng batas para sa bansa. Ang dalawang kapulungan nito ay ang mataas na kapungulan at ang mababang kapulungan. Ang Senado ay ang Mataas na Kapulungan at ang Kapulungan ng mga Kinatawan ang mababang kapulungan. Ang mga senador ay pumipili ng Presidente ng Senado bilang pinuno habang ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay mayroong ding lider na tinatawag na Ispiker.
  • Ang sangay na Tagapagpaganap (Ehekutibo)
    Ito ang sangay na nagtitiyak na ang mga batas na ginawa ng Kongreso ay naipapatupad para masigurado na mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan. Pangulo ang namumuno ng sangay na ito at ang kanyang kaagapay ay ang kanyang mga Gabinete na binubuo ng mga Kalihim ng iba’t ibang ahensya.

    Ayon sa Konstitusyon, alinsunod sa Komisyon sa Paghirang, ang Pangulo ay may kapangyarihan na maghirang ng mga puno ng kagawaran, embahador, konsul, may ranggong kolonel sa Sandatahang Lakas, at iba pa. Siya rin ang punong komander ng sandatahang lakas ng bansa at siya ay may veto power. Ito ang kapangyarihan na tanggihan ang isang panukalang batas na ipinasa ng Kongreso. Siya rin ang pumipili ng mga punong mahistrado ng Korte Suprema, gayundin sa Mabababang Hukuman, mula sa talaan ng Judicial Bar Council.
  • Ang sangay na Tagapaghukom (Hudikatura)
    Ito ang sangay na nagbibigay interpretasyon ng mga batas. Ang kapangyarihang panghuhukuman ay nasa ilalim ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema. Ang Korte Suprema ang puntahan ng mga tao na hindi sang-ayon sa naging desisyon ng mababang hukuman. Dito rin dumudulog ang dalawang sangay kung nais nilang maliwanagan sa legalidad ng batas.

    Ang Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema ay binubuo ng isang Punong Mahistrado at labing-apat na katulong na mahistrado.

Leave a Comment