Mga bahagi ng pananalita at ang kanilang English translation.
BAHAGI NG PANANALITA TO ENGLISH – Sa English, ang katumbas ng mga kataga ay “Parts Of Speech” at ito ang mga katumbas ng mga bahagi.
Mahalaga ang malaman ang mga bahagi ng pananalita dahil ito ay isang mahalagang hakbang para malaman ang tamang paggamit ng wika at ang mga tungkulin ng mga salita sa isang pangungusap. Dahil dito, mas mapapaibayo ang iyong kaalaman sa pagsulat at pagsasalita.

Narito ang mga iba’t ibang bahagi ng pananalita at mga katumbas nito sa English:
BAHAGI NG PANANALITA | PARTS OF SPEECH |
Pangngalan – tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, pook, o pangyayari | Noun – the name of a person, place, thing, or idea |
Panghalip – tumutukoy sa mga salita bilang panghalili o pamalit sa mga pangngalan | Pronoun – a word that replaces the noun or noun phrase to avoid repetition |
Pandiwa – Tumutukoy sa mga salita na nagsasaad o nagpapahayag ng kilos | Verb – the action word that shows what someone or something is doing |
Pang-uri – mga salita na naglalarawan ng pangngalan. | Adjective – describes, modifies or gives more information about a noun or pronoun |
Pang-abay – tumutukoy sa mga salita na naglalarawan sa pandiwa o kilos | Adverb – describes or modifies a verb, an adjective or another adverb |
Pantukoy – tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri sa pangungusap | Pointer – it refers to something that points or indicates direction |
Pangatnig – tumutukoy sa mga salita na nagpapakita ng relasyon ng mga salita sa isang pangungusap | Conjunction – it joins two words, ideas, phrases or clauses together in a sentence |
Pang-ukol – tumutukoy sa mga salita na nagsasaad kung para kanino o para saan ang kilos | Preposition – shows the relationship of a noun or pronoun to another word which indicates time, place, or relationship |
Pang-angkop – mga salita na ginagamit upang mapag-ugnay ang mga salita | Connector – it joins two independent clauses together |
Pandamdam – mga salitang tumutukoy sa matinding damdamin | Interjection – a word or phrase that expresses a strong feeling or emotion |