Kayarian Ng Pang-uri At Mga Halimbawa

Ano ang mga kayarian ng pang-uri at magbigay ng mga halimbawa.

KAYARIAN NG PANG-URI – Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pangngalan at panghalip.

Ang pang-uri ay tinatawag na adjective sa Ingles at ito ang mga salita na pumupukaw sa interes ng mga mambabasa, maglarawan, at kilitiin ang kanilang mga imahinasyon. Sila ang mga salitang naglalarawan ng pangngalan.

Ito ay may tatlong uri at sila ay:

  • PANG-URING PANLARAWAN – Ang mga salita na naglalarawan ng mga katangian ng isang tao o bagay tulad ng hugis, kulay, laki, ugali, at iba pa.
  • PANG-URING PANTANGI – Ito ang mga salita na nasa anyong pangngalang pantangi at naglalarawan ng pangngalan.
  • PANG-URING PAMILANG – Ito ang mga salitang naglalarawan ng bilang o dami ng pangngalan o panghalip.

Ang tatlong antas ng pang-uri:

  • Lantay – Ito ay tinatawag na lantay kapag walang ipinaghahambing na dalawa o maraming bagay.
  • Pahambing – Nasa pahambing na antas kapag may pinaghahambing na dalawang pangngalan, maaring tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
  • Pasukdol – Pasukdol naman ang tawag sa antas o kaantasan kapag ito ay nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat.
Kayarian Ng Pang-uri

Bukod sa uri at antas, mayroon ding kayarian ang pang-uri.

  • PAYAK
    Kapag ang gamit na anyo ng salita ay salitang-ugat.

Halimbawa:

  1. Ang haba ng iyong buhok.
  2. Kay linis ng inyong silid-tulugan.
  3. Bakit ang ganda ng iyong mga ngiti?
  • MAYLAPI
    Kapag ang gamit na anyo ng salita ay ginagamitan ng mga panlapi (Unlapi, Gitlapi, Hulapi, Kabilaan, at Laguhan).

Halimbawa:

  1. Mahaba ang kanyang buhok.
  2. Sobrang malinis ang inyong kwarto.
  3. Maganda sa kanya ang ang kanyang mga ngiti.
  • INUULIT
    Ang salitang pang-uri ay inuulit para bigyang diin.

Halimbawa:

  1. Mahaba-haba ang kanyang itim at kulot na buhok.
  2. Malinis-linis naman ang kanyang kwarto at pwede nang matulugan.
  3. Malaki-laki ang kanyang mga mata habang natawa.
  • TAMBALAN
    Kapag ang salita ay binubuo ng dalawang salita.

Halimbawa:

  1. Balat-sibuyas ang kanyang bagong nobya.
  2. Tulog-mantika ang mag-aaral sa gitna ng klase.
  3. Magkita tayo sa ilog sa takip-silim, araw ng Huwebes.

Leave a Comment