Likas Na Yaman – Alamin Ang Tatlong Anyo At Apat Na Uri

Ano ang likas na yaman at ang mga anyo at uri nito?

LIKAS NA YAMAN – Ito ang mga bagay na mula sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan, karagatan, at marami pang iba.

Ang mga bagay na mula sa kalikasan na nagbibigay hanapbuhay, gamit, at pagkain sa tao ay tinatawag na likas na yaman. Ito ang mga lupa, kabundukan, kagubatan, karagatan,ilog, lawa, deposito ng mineral, at marami pang iba. Ang mga hanapbuhay na ibinibigay nito ay pagsasaka, pagmimina, pangingisda, paghahabi, pananahi, pagiging negosyante, pagiging karpintero, at marami pang iba.

Likas Na Yaman

Ang mga yamang ito ay nakakalikha rin ng iba pang mga produkto para mas mapaganda ang buhay ng mga tao. Dito nagmumula ang agrikultura kung saan ang agrikultura ay isang mahalagang aspeto sa industriyalisasyon.

Tatlong Anyo

  • Yamang nauubos at di napapalitan – ito ang mga yamang hindi mapapalitan kahit kailan na kapag nagamit na ay hindi na ito maibabalik pa sa kanyang dating anyo.
    • Ginto
    • Bakal
    • Pilak
    • Tanso
  • Yamang napapalitan – ito ang mga yamang maaring palitan kapag nauubos na.
    • Halaman
    • Isda
    • Hayop
  • Yamang Di-nauubos – tumutukoy sa mga yamang hindi mauubos kahit ulit-ulitin man na gamitin.
    • tubig
    • hangin

Apat Na Uri

  • Yamang Lupa
    • Puno
    • Prutas
    • Palay
    • Bigas
    • Mais
    • Halamang Ugat
    • Bulaklak
    • Pulo
    • Kapatagan
    • Kabundukan
    • Lambak
    • Bundok
  • Yamang Tubig
    • Isda
    • Starfish
    • Perlas
    • Corales
    • Pating
    • Lawa
    • Dagat
    • Karagatan
    • Ilog
  • Yamang Gubat
    • Punongkahoy
    • Agila
    • Usa
    • Insekto
    • Tamaraw
  • Yamang Mineral
    • Tanso
    • Ginto
    • Pilak
    • Diamante

Mayroon ding tinatawag na yamang tao. Sila ang mga nangangasiwa ng mga yamang-likas at nagpapalawak ng potensyal. Sila ang may kakayahang mapaunlad ang isang bansa.

Mga yamang-likas na makikita sa iba’t ibang lalawigan o bahagi ng Pilipinas:

YAMANG LUPA

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTO
Gitnang Luzonbigas, gulay at prutas
Baguio, Benguetmga sariwang gulay at prutas   broccoli, pipino, lettuce, carrots, sayote, patatas bell pepper, baguio beans, celery at kamatis, strawberries   iba’t-ibang uri ng mga bulaklak
Ilocosbigas, tabako, bawang
Antipolosuman, mangga, kasuy
Pampangabigas, tubo, mais
Negros Occidentalsaging, tubo, kahel
Tagaytay at Cavitepinya, saging
Batangaskape, niyog, palay, mais
Lagunalanzones, rambutan
GuimarasMangga
N. Ecijabigas, sibuyas
Bicolabaka (ginagawang bag, pamaypay, tsinelas sombrero) sili pili nuts
Quezonniyog (nagmumula ang buko juice, nata de coco)  
Davaomga prutas gaya ng suha, durian, marang   mga bulaklak, orchids
Bukidnon at Cotabatopinya *Dito matatagpuan ang malawak na taniman ng pinya na Dole Philippines at Del Monte PhilippinesPhilippine travel packages
CALABARZON (Calamba, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon)karneng baka
Gitnang Visayaskarneng baboy
Gitnang Luzonkarneng manok
Paterosbalut, penoy

YAMANG GUBAT

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTO
Basilan, Zamboanga del Sur, Cotabato, Agusan, Surigao, Bukidnon and Misamis Orientalrubber tree o punong goma
Agusanplywood, lawanit
Negros Occidentalkamagong
La Union, Pampanga, Capiz, Cebu, Bukidnon, Surigao del surkawayan
Samar, Palawanbakawan
Bicol, Mindanao, Cagayan Valleynarra

YAMANG MINERAL

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTO
Surigao Del Norte, Davao, Palawan, Romblon at Samarnickel
Ilocos norte, N. Ecija, Cam Norte, Cotabatoiron
Ilocos Norte, Zambales, Cebu, Batangas, Mindoro, Panay, Negros Occidentaltanso
Mt. Province, Cam Norte, Baguio, Masbate, Surigao, Bulacanginto
Zambaleschromite
Pangasinan, Tarlac, Masbate, Cam Surmanganese
Cam Norte, Ifugao, Bataan,Cagayanbakal
Romblonmarmol
Zambales, Palawan, Panayguano
Negros Occidental,Cebu, Mt. Province, Zambales, at Mindanao.pilak

YAMANG TUBIG

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTO
Navotasseafoods
Pangasinanbangus at seafoods, asin, bagoong
Pampangatilapia, hipon
Cavitetahong, talaba
Pangasinanasin, bagoong
Gen SantosTuna
Sorsogonbutanding
Palawanperlas
Cebudried fish, danggit, pusit
Bataantinapa, tuyo, de latang isda
Roxas City, Capizseafood capital of the Philippines

Leave a Comment