Ano Ang Pananagutan Ng Anak Sa Kanyang Magulang? (Sagot)
PANANAGUTAN NG ANAK SA MAGULANG – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang mga pananagutan ng isang bata sa magulang.
Bilang isang anak, tayo ay may responsibilidad rin sa ating mga magulang katulad lamang ng kanilang responsibilidad sa atin. Tayo ay pinalaki, pinakain, pinag-aral, at tinuturuan ng mahahalagang aral sa buhay.
Kaya naman, kahit sa mga simpleng bagay, puwede tayong makabawi sa kanila. Halimbawa, ang simpleng pagsunod sa utos at payo ng ating mga magulang ay isa na sa mga pananagutan ng isang bata.
Dapat ring tulungan ng mga anak ang kanilang magulang sa mga gawaing bahay. Bukod rito, ang pag-iwas sa pagiging pasaway ay isa rin sa mga tungkulin ng isang anak.
Ang pagre-respeto rin sa magulang ay isa sa pinakamahalagang pananagutan ng isang bata. Isa rin sa mga kailangang gawin ng mga anak ay ang pag-aalaga at pag bigay halaga sa kanilang magulang, tulad lamang ng pagpapahalaga at pag-aalaga nila sa kanilang mga anak.
Higit sa lahat, kailangan nating ipakita na mahal natin ang ating mga magulang.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Wika Sa Mag-aaral – Halimbawa At Iba Pa!
pananagutan ng magulang