Ano Ang Mga Halimbawa Ng Patimbang? (Sagot)
HALIMBAWA NG PATIMBANG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isang balangkas na patimbang at ang mga halimbawa nito.
Ang isang balangkas na patimbang ay nakahati ang saknong sa dalawang timbang na pangkat ng taludtod. Bukod rito, ito’y posibleng maging magkatulod at magkasalungat.
Kadalasan, ang dalawang pangkat na ito ay may pagkaparehas sa paglalatag ng diwa. Ito ang mga halimbawa:
Nang walang biring ginto,
Doon nagpapalalo;
Nang magkaginto-ginto,
Doon na nga sumuko.
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido
Tunay na kayamanan
Hindi nakukuha sa pera lamang
Kundi sa pagmamahalan
Na hindi mababawasan
Hindi ko rin malaman,
Hindi maunawaan
Mapurol kong isipan,
Isalang sa hasaan.
Hindi biro ang magmahal
Kailangan minsang maghintay ng matagal
Minsan ay sakit na karumaldumal
Ang nakukuha ng masyadong emosyonal
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.
Tagalog ang wika ko
Hindi sikat sa mundo
Ngunit lantay at wasto
At dakilang totoo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Mga Manunulat Ng Pabula – Halimbawa At Mga Gawa Nila