Ano Ang Mga Halimbawa Ng Talumpati Tungkol Sa Pagi-Ibig?
TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG – Sa paksang ito, magbibigay kami ng mga halimbawa ng talumpati patungkol sa pag-ibig, pag-iibigan, at iba pa.
Ang talumpati ay isang buod o kaisipan o opinyon ng isang tao na ibinabahagi sa pamamagitan ng pagsasalita sa isang entbalado. Higit sa lahat, ang talumpati ay isang instrumento ng pagpahayag ng mga kaisipan at ideya tungkol sa isang paksa.
Heto ang mga halimbawa ng mga talumpati tungkol naman sa paksang “Pag-Ibig”:
Ang Pag-ibig?
Talumpati Ni Estephanie May Venerayan
Pag-ibig? Ano nga ba ang pag-ibig? Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong umiibig? Ano bang dulot nito sa isang tao? Bakit ba natin ito nararamdaman? Kayo? Naranasan nyo na bang umibig?
Ang pag ibig ay isang pakiramdam na napakahirap ipahiwatig. Nararamdaman mo ito, ngunit napakahirap bigyang kahulugan. Pakiramdam na nakakapagpabago sa damdamin ng isang tao. At nagdudulot ng iba’t ibang emosyon.
Ang Isang Taong umiibig ay Madalas nakangiti, lutang Ang Isip. Wari ba’y nasa ibang daigdig! O sa madaling sabi “May sariling mundo”, Kinikilig. Pag naiisip ang iniirog lalo na pagka-kasama! Madalas Masaya, kasi nga “iN-LOVE”!
Ang pag-ibig ay napakahirap ipaliwanag, na kahit ang sciencia ay hindi maibatid kung ano nga ba ang pag-ibig. Kaya sigurado ako, na lahat kayo ay naka-relate sa talumpati ko!
Sa mga taong umiibig, iniibig at iibig… Ang pag-ibig ay isang unibersal na pakiramdam. Lahat nakakadama, lahat nakakaranas. Kaya huwag ipagkait ang pagmamahal. Tayo’y magmahalan.
Unang Pag-Ibig
Talumpati ni PinayAko
Ang unang pag-ibig…
Hindi ibig sabihin nito’y una mong nakarelasyon o una mong nakatagpo. Ang unang pag-ibig ay ang kauna-unahang tao na minahal mo ng lubos na higit pa sa inaakala mo. Maaring siya ay ang pang-apat mong kasintahan o pang-pito. O maari rin namang siya ang huli at iyong nakatuluyan.
Masarap umibig, masarap ibigin at lalong masarap ang tunany na pag-ibig. Sabi ng iba, ang unang pag-ibig ay hindi kailanman nalilimot. Hindi kailanman nawawala. Marahil totoo, sa aking pananaw, ang pag-ibig ay hindi nawawala, hindi nauubos, hindi nalilimot. Nanatili ito sa pusong nagmamahal at sa puso ng nagmahal. Ang pag-ibig ay hindi nagmamaliw bagkus nahihigitan lamang ng bagong pag-ibig ngunit ang ligaya at pait ay mananatili ngayon at kailanman.
Sa unang pag-ibig, marami kang maaalala, ang iba’y nanghihinayang, ang iba’y nahihiya at ang iba’y hindi maka-move on. Iba’t ibang damdamin, iba’t ibang paniniwala ngunit ang tamis ng unang pag-ibig ay mananatiling alaala. Alaala ng kahapon, alaala ng mga bagay na nawala at lumipas, alaala ng araw na may mga kakaiba kang nagawa’t napatunayan, alaala ng taong nagpangiti at nagpatibok sa puso mong nananahimik. Ang pait at ligaya, ang araw at oras, ang kwentuhan at iyakan, ang love song at tawagan, ang date at tagpuan, ang pangako at awayan, ang pagsagot at paglisan… Ang lahat ng iyan ay mararanasan sa unang pag-ibig na nakakatuwang balikan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Gawain 3 Ipaliwanag Mo – Sagot At Kahulugan Ng Imahe (Filipino Module)