Ano Ang Mga Halimbawa Ng Sektor Ng Industriya?
SEKTOR NG INDUSTRIYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng sektor ng industriya at ang kahulugan ng mga ito.
Sa ating bansa, maraming mga sektor ng industriya na matatagpuan natin. Ang mga halimbawa nito ay makikita sa apat na pangunahing mga sektor. Ito ang:
- Pagawaan/Manupaktyur
- Utilidad/Serbisyo
- Konstruksyon
- Pagmimina
Ang mga pagawaan ay malaking bahagi ng GDP o “gross domestic product” ng Pilipinas. Noong 2004, ang sektor ng industriya na ito ay may kontribusyon na 24% sa GDP ng bansa.
Kadalasan, ating makikita sa mga manupaktyur na industriya ay ang pag proseso ng pagkain. Ang mga makina na ginagawa ay upang magproseso ng bigas, mais, asukal at iba pang mga pangunahing sangkap sa pagkain.
Hindi naman mawawala ang industriya ng serbisyo at utilidad saan ka man sa mundo. Ang industriyang ito ang nagbibigay sa atin ng tubig, pagkain, ilaw, at mga pangunahing pangangailangan.
Samantala, ang konstruksyon naman ang isa sa pinaka malaking sektor ng industriya sa bansang Pilipinas. Ito ay dahil 46% ang kontribusyon nito sa GDP ng bansa. Malaki rin ang tulong nito dahil maraming foreign investment na pumapasok dahil sa konstruksyon.
Ang pagmimina naman ay isa sa mga industriya na dapat bantayan ng nakararami. Ito ay dahil sa mga posibleng negatibong epekto nito sa ating kalikasan. Bagamat maraming mineral ang makukuha rito, ang likas na yaman naman ng bansa ay napipinsala.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Salitang “Nang” Sa Mga Pangungusap