Ano Ang Suliranin Sa Kwentong “Alamat Ng Mansanas”?
ALAMAT NG MANSANAS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga suliranin na napaloob sa kwentog “Ang Alamat Ng Mansanas”.
Kadalasan, ang mga alamat ay nagbibigay ng aral sa mga mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang suliranin na kailangang matutunan o iwasan. Sa alamat ng mansanan meron tayong makikitang mga problema na makukunan natin ng aral.
Ang suliranin ng alamat na ito ay nagsimula dahil sa isang lasingero. Sa kanilang lugar merong mangagamot na may kakaibang dugo – si Mang Sanas. Kahit anong sugat mo ay napapagaling ni Mang Sanas.
Ngunit, isang araw, ang lasingero na si Nam Atay ay naghamon ng suntukan kay Lorando. Habang nag-aaway ang dalawa, kumuha ng baril si Lorando at binaril si Nam. Umalis kaagad ito at akala niyang namatay na ang lasingerong si Nam Atay.
Pero, buhay pa pala ito at nakita siya ni Matt Alino. Dinala niya kaagad si Nam Atay kay Mang Sanas. Ginamot kaagad nito si Nam Atay at nawala ang kanyang sugat.
Subalit, nalaman kaagad ito ni Lorando. Kaya, pinuntahan niya si Mang Sanas at binaril sa ulo ang mangagamot. Ang dugo nito ay tumalsik sa isang punong malapit. Matapos ang ilang araw, nagkaroon ng bunga ang punong ito na pulang-pula at masustansya. Simula nuon, tinawag ito na “mansanas”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Ano Ang Napatunayan Ni Arachne Sa Kompetisyon Nila Ni Athena?