Heto Ang Mga Halimbawa Ng Haiku Tungkol Sa Pagkabata
HAIKU TUNGKOL SA PAGKABATA – Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang mga haiku sa paksang “pagkabata”.
Ang Haiku ay uri ng panunulat na nagmula sa bansa ng mga Hapon. Ito ay pwedeng ihambing sa “tanaga” o maikling tulang Pilipino. Ngunit, iba yung pamamaraan ng pagsulat nito.
Kadalasan, ang mga tanaga ay gumagamit ng 7777 na estilo ng panunulat ng taludturan. Pero, ang Haiku naman ay gumagamit ng 5/7/5. Heto ang mga halimbawa tungkol sa pagkabata:
Kay bilis lamang
Ang pagkabata Natin
Wag mag hinayang
Ang kabataan
Ay pag-asa ng bayan
Iyan ay tunay
Maglaro tayo
Madapa At Matuto
‘Yan kami dati
Hayaan natin
Ang pag-laro ng bata
Para matuto
Kahit bata pa
Ako’y natuto agad
Ng pagmamahal
Tayo’y maglaro
Mag habulan, mag tago
Tayo’y bata pa
Habang pata ba
Mag-enjoy na kaagad
wag mag hinayang
Sa Japan, ang mga haiku ay tumanyag dahil sa kanilang simpleng estilo sa panunulat. Kahit na ito ay maikli lamang, laman din nito ang umuusbong na damdamin ng manunulat.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Positibong Epekto Ng Internet Sa Mag-aaral At Iba Pa