Ano Ang Mga Halimbawa Ng Pangungusap Langkapan? (Sagot)
PANGUNGUSAP LANGKAPAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng Pangungusap na Langkapan at ang mga halimbawa nito.
Ang langkapang pangungusap ay ginagamitan ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na hindi. Karaniwang gingamit ang pagbuo ng tambalang salita para mas mapadali ang paggawa ng langkapang pangungusap. Pagkatapos nito, maaari na tayong magdugtong ng sugnay na di makapag-iisa o pantulong na sugnay.
Heto ang mga halimbawa ng pangungusap:
- Makinig sa mga pangaral ng guro at mag-aral ng seryoso para sa magandang kinabukasan.
- Darating ang araw na kailanga mong mag-isip at magdesisyon ng mabuti dahil dadami na ang aasa sa iyong gagawin.
- Dahil sa mga pangyayaring krimen sa Pilipinas, kailangang gumawalaw ang gobyerno at gumawa ng mga paraan na nakakatulong sa paglutas nito.
- Gumawa ng marangal at tumulong sa mga kababayan na naapektuhan ng bagyong Quinta dahil ito ang nararapat na gawain sa isang kalamidad.
- Siya ay isang taong mapagmahal at mahabagin sa mga mahihirap na palaging tumutulong sa lahat ng oras ng pangangailangan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Haiku Tungkol Sa Pagkabata Orihinal Na Halimbawa