Sagot Sa Tanong Na “Saan Galing Ang Salitang Balbal?”
SALITANG BALBAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung saan nga ba galing ang mga salitang balbal.
Ang Salitang balbal ay mga bagong salita na kadalasan ay makikita sa mga kanto o sa mga kalye. Ito ang mga salitang gawa-gawa lamang o kaya’y kombinasyon ng mga salitang galing sa ating wika o sa wikang banyaga.
Ang balbal ay tinatawag rin na salitang kalye. Sa Ingles, ang mga balbal ay tinatawag na “street slang”. Sa pang araw-araw nating buhay, maririnig natin o kaya’y ginagamit ang mga salitang balbal na ito.
Heto ang ilan sa mga halimbawa:
- Tsikiting – Mga Bata – Children
- Chika – Sabi – Gossip
- Patok – Kasalukyong Moda – Trendy
- Pudra – Ama/Tatay – Father
- Mudra Ina/Nanay – Mother
Minsan, binabaliktad ang mga salita para bigyan ng ibang kahulugan ito katulad ng astig na galing sa salitang “tigas”. Kahit nga ang mga politiko ay gumagamit ng salitang balbal. Isang halimbawa nito ay si Mayor Isko Moreno o mas kilala bilang “Yorme” (Mayor na binaliktad lamang).
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kaugalian Ng Kabayo At Kalabaw – Tagalog Pabula