Paano Magagamit Sa Iyong Strand Ang Barayti Ng Wika? (STEM/ABM/HUMMS)
PAANO MAGAGAMIT SA IYONG STRAND ANG WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang gamit ng barayti ng wika sa iba’t-ibang mga strand.
Sa ngayon, ang sistema ng edukasyon para sa senior highschool ay naka pangkat sa tatlong klase, STEM, HUMMS, at ABM. Ngunit, paano nga ba magagamit dito ang barayti ng wika?
Kahit iba-iba ang strand na pinasukan mo, ang barayti ng wika ay isa pa rin sa pinakamahalagang dapat matutunan hindi lamang sa paaralan, kundi pati na rin sa panahon na ika’y kukuha ng trabaho.
May iba’t-ibang uri ang barayti ng wika. Ito ay ang mag sumusunod:
- Idyotek
- Dayalek
- Sosyolek / Sosyalek
- Etnolek
- Ekolek
- Pidgin
- Creole
- Register
Ang wika ang ating pangunahing instrumento upang makipag komunikasyon sa ibang tao. Kaya naman, kahit ano pa ang iyong strand, mahalaga pa rin na malaman ang barayti ng wika.
Halimbawa ng mga gamit nito sa iba’t-ibang strand:
ABM – sa strand na ito, natutunan ang mga paksa tungkol sa business at management. Dahil naka-angat ito sa business at management, kailangan nating malawan kung anong uri ng wika ang ating gagamitin sa iba’t-ibang sitwasyon. Mahalaga ito para sa pakikisama.
STEM – ang strand na ito ay maraming terminolohiyang ginagamit. Ang barayti ng wika na kadalasang ginagamit rito ay tinatawag na “register”. Dito makikita ang barayti ng wika na patungkol sa “larangan” o “field of expertise” sa Ingles. Dahil dito, maraming jargon na ang mga tao lamang sa STEM o sa larangan nilang pinili ang nakakalaman ng kahulugan.
HUMMS – sa strand na ito, makikita natin ang mga course na nakabatay sa literatura, edukasyon, at mga agham panlipunan. Dito pa lamang, alam na natin na ang wika ay mahalaga parte ng strand na ito. Para maging epektibong estudyante, kailangan mong pag-aralan ang barayti ng wika hindi lamang sa pag-gamit nito, kundi ang epekto nito sa lipunan.
BASAHIN RIN: Paano Mapapaunlad Ang Wika – Halimbawa At Paliwanag