Ano Nga Ba Ang Imperyalismo? (Sagot)
IMPERYALISMO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang tinatawag na imperyalismo at ang mga halimbawa nito.
Ang imperyalismo ay ang tawag sa isang uri ng pamamahala ng isang bansa. Bukod rito, ang pamahalaang ito ay naglalayong palawakin ang kanilang sakop na teritorya gamit ang iba’t-ibang paraan. Ilan sa mga paraan na ito ay ang sapilitang pananakop, pagbili ng mga lupain, at pagpapalayas ng mga tao sa isang lugar ng sapilitan.
Heto rin ang iba pang halimbawa:
- Paglusob ng isang malaking bansa upang manakop ng mas maliliit na bansa
- Isang magandang halimbawa ay ang pagdating ng mga Espanyol para sakupin ang bansang Pilipinas
- Pagsakop ng bansang Britain sa iba pang mga bansa sa timog silangang asya
- Pagtatag ng mga bansang kolonya
Ilan lamang sa mga halimbawa ng bansang imperyalista ang sumusunod:
- Spain
- Britain
- UK
- Amerika
- Japan
- Germany
- Italy
Kadalasan sa isang imperyalistang bansa, may isang tao lamang ang namumuno at ang susunod na taong ipapalit sa kanya ay ang kanilang mga anak na lalaki. Sa Japan, ang tawag dito ay ang emperor, sa Britain naman at Espanya ay king.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Tema Sa Kwento – Kahulugan At Iba Pang Kaalaman