Ano Ang Arbitraryo? Narito Ang Kahulugan At Halimbawa

Narito ang kahulugan ng Arbitraryo

ARBITRARYO – Ang artikulong ito ay naglalayong talakayin ang kahulugan ng salitang ‘Arbitraryo at ang mga halimbawa nito.

Ito ay nangangahulugang walang tiyak na batayan. Sa mas malawak na pagpapaliwanag ito sa pagbuo ng mga simbulo at tunog na kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya at kaisipan na walang tiyak na batayan o tuntuning sinusunod.

Massabing walang limitasyon ang kapangyarihan ng isang arbitraryo. Sa ganitong aspeto, posibleng mangangahulugang na hindi maging makatwiran o hindi suportado ng batas ang isang hatol. Sa kadalasang pagkakataon, ito ay bunga ng kapangyarihang absolute o lubos.

arbitraryo

Dahil dito, ang arbitraryong desisyon ay tinatawag ding mabagsik at marahas dahil ang hatol ay naka-ugnay sa pasiya ng isand tao at hindi ng batas. Sa ganitong sitwasyon, maari ring sabihin na ang salits ng indibidwal ay siya mismo ang nagiging batas. Ang resulta, may pananaw na hindi nagiging patas ang hukuman ng sistemang ito.

Sa usapin tungkol sa wika, maari ring sabihin na ito ay may arbitraryo. Sapagka’t, mayroong mga salitang pinagkasunduan lang ng mga tao o grupo ng mga tao na gamiting nila sa pang araw-araw na pamumuhay.  

Ito ang ilan sa mga HALIMBAWA ng Arbitraryo:

  • Tsibog
  • Beshy
  • Amats
  • TOTGA
  • Lodi
  • Wapakels
  • Pemalu

Basahin rin: KAHULUGAN NG WIKA, Uri at Katangian

Leave a Comment