Bakit Hindi Natin Dapat Lokohin Ang Ating Kapwa? (Sagot)
PANLOLOKO SA KAPWA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit hindi natin dapat lokohin ang ating kapwa.
Sinasabi nga ng Bibliya na “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo“. Kaya dapat, kung ayaw rin natin na lokohin, dapat hindi rin tayo manloloko sa iba.
Bilang isang mabuting tao, mayroon tayong responsibilidad sa ating sarili at sa ating mga desisyon. Kahit pa makaka-angat tayo sa pamamagitan ng panloloko, hindi pa rin ito dahilan na ito’y gawin.
Ang pagangat sa pamamagitan ng pag-apak o pagloloko sa ibang tao ay isa sa pinakamasamang bagay na ating maaaring gawin. Ang panloloko ay isang bagay na masama. Ito’y sumisira sa kredibilidad ng isang tao, at sa relasyon niya sa iba.
Kaya, kung gusto mong bigyan ka ng respeto ng ibang tao, dapat respetuhin mo rin sila sa lahat ng aspeto. Ating tandaan na kapag tayo ay nanloloko, binibigyan natin ng dahilan ang ibang tao na lumayo satin.
Sa huli, wala ng taong magbibigay sa iyo ng tiwala at mawawalan rin tayo ng mga kaibigan, kamag-anak, at iba pang mahahalaga sa buhay. Kahit pa ang mga taong hindi mo kilala ay hindi rin niloloko o lokohin. Dahil kung ano ang ating gagawin, babalik rin naman sa atin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Ano Ang Konseptong Papel? – Kahulugan At Halimbawa Nito