Ang artikulong ito ay naglalayon na talakayin ang kahulugan ng BIONOTE, pati na rin ang layunin, katangian, at ang halimbawa nito.
Ang kahulugan nito ay maikling paglalarawan ng manunulat ng kaniyang sarili sa kaniyang mga mambabasa. Ito ay ginagamitan ng pananaw ng ikatlong tao at kadalasan ay inilalakip ang kaniyang mga naisulat. Sa porma na isang talata, it ay nagpapahayag rin ng mga katangian ng manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng mga mambabasa ang kredibilidad ng isang manunulat sa ganitong larangan.
LAYUNIN
Ito ang may layunin na ipaalam sa mga tao ang “background” ng isang manunulat katulad ng kaniyang narating sa larangan ng academia at iba pang propesyon o mga ginagawa.
BAHAGI
Personal na impormasyon – Dito nakasaad ang mga pangunahing impormasyon tulad ng edad ang mga nakaraang ginagawa o propesyon.
Kaligirang pang-edukasyon – Ito naman ang kinapapaloobin ng mga impormasyon tungkol sa paaralan, pinag-aralan at mga karangalan.
Ambag sa larangang kinabibilangan – Ang bahagi na ito ng bionote ang naglalayong magpaalam sa mga tao ng kontribusyon at adbokasiya ng manunulat sa larangin na ito.
KATANGIAN
- Maikli at nasa punto
- Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
- Kinikilala ang mambabasa
- Gumagamit ng baligtad na tatsulok o ang impormasyon ay mula sa pinakamahalaga hanggang sa hindi gaanong pinakamahalaga
- Nagsasaad ng angkop na kasanayan o katangian lamang
- Kung kinakailangan, banggitin ang degree
- Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
HALIMBAWA
Si Israel Manlapas, kilala bilang si Yael, ay naging isang guro sa isang pampublikong paaralan sa Lungsod ng Makati. Siya ay ipinanganak at lumaki sa lalawigan ng Zambales, at doon nakapagtapos ng kursong Edukasyon sa President Ramon Magsaysay State University noong 1970. Naging aktibo rin si Israel sa Physical Education, kung saan nakapagturo siya ng mga estudyanteng may hilig sa volleyball.
Nang makapagturo ng ilang taon, nagpasiya siyang kumuha ng Masteral Degree sa Far Eastern University sa Maynila. At sa Maynila na niya itinuloy ang kanyang pagtuturo. Siya ay nagturo ng ilang taon sa isang pampublikong paaralan. Dahil sa kanyang dedikasyon sa pagturo, nakakuha rin siya ng gantimpalang ‘Teacher of the Year’ ng ilang beses sa loob ng apatnapung taon sa serbisyo.
Basahin din: PAGSASALAYSAY: Kahulugan At Uri