Ano Ang Mensahe At Layunin Ng Mitong Cupid At Psyche? (Sagot)
CUPID AT PSYCHE – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang layunin at mensahe ng mitong “cupid at psyche”.
Ang Cupid ay Psyche as isang mito na galing sa mga sinaunang griyego. Dito, makikita natin ang mga pangunahing tauhan na sina cupid at psyche. Ang ina ni cupid ay nagkaroon ng selos kay psyche dahil sa kanyang kagandahan.
Dahil si Psyche na ang sinasamba at sinasabi ng mga mortal na pinakamagandang babae, inutusan nito ang anak na si Cupid na paibigan siya sa halimaw.
Ngunit, ng makita ni Cupid si Psyche, agad itong nahulog para sa kanya. Hindi na niya nagawa ang utos ng kanyang ina at patuloy ang pag-iibigan ng dalawa kahit pa maraming pag subok sa pagitan nilang dalawa.
Ang mensahe ng mitong ito ay dapat nating ipagmalaki ang ating iniibig. Hindi rin dapat tayo magpadala dala sa selos at inggit dahil wala itong mabuting papupuntahan.
Isa rin sa mga layunin nito a ipamulat sa lahat na ang tiwala ang nagiisang matatag na instrumento upang mabuo ang isang matatag na pagibig. Ipinapahiwatig ng akdang ito na ang tiwala ay isang makapangyarihan sapagkat dito nabubuo ang isang pagibig.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Interaksyunal – Mga Halimbawa Sa Totoong Buhay