Alamin ang mga elemento ng tula sa lathalain na ito
Elemento Ng Tula – Mayroong limang elemento nito ang ang artikulong ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon sa mahalagang paksa tungkol sa isa sa mga bahagi ng panitikan.
Iba’t-ibang paksa ang maaaring talakayin sa isand tula. May mga sikat na manunulat na nakikilala sa uri ng panitikan na ito. Tinatawag din ito minsan na patula. Mayroong dalawang bahagi nito ang ritmo at metro.
Ang ritmo ay tumutukoy sa pagkahaba at pagkaikli na mga “pattern” o anyo na nasa isang tula. Ito ay nagpapakita ng pagkakasunog-sunod ng mga patinig o pagbibigay-diin at hindi pagbibigay-diin sa mga pantig. Ang metro naman ay ang serye ng mga patakaran na namamahala sa mga numero at pag-aayos ng mga pantig sa bawat linya.
Mga Elemento Ng Tula
Sukat – Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Pantig – Ito ay ang paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
“Nayon” – mayroong “na” at “yon”, na ang ibig sabihin ay may dalawang pantig
Ako ay uuwi na – A/ko/ay/u/uwi/na, dito makikita natin na ito ay may pitong pantig
Apat na uri ng sukat:
Wawaluhin – walong pantig
Lalabindalawahin – sandosenang pantig
Lalabing-animin – labing-anim na pantig
Lalabing-waluhin – labing-walong pantis
Saknong – Ang saknong ay tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod. Narito ang pagbabasehan.
- 2 na taludtod – couplet
- 3 na taludtod – tercet
- 4 na taludtod – quatrain
- 5 na taludtod – quintet
- 6 na taludtod – sestet
- 7 na taludtod – septet
- 8 na taludtod – octave
Tugma – Ito ay tinuturing na isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa at ito ay tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya.
May dalawang uri ito:
- Tugmang ganap (Patinig)
- Tugmang di-ganap (Katinig)
Halimbawa:
Malungkot at hindi masaya
Ang taong nabubuhay sa sala
Kariktan – Ang elementong ito ay tumutukoy sa maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Halimbawa:
Minamahal – iniirog
Maganda – marikit
Masaya – nagagalak
Talinhaga – Ito ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na binabanggit o may mas malalim na kahulugan ang napapaloob.
Basahin din: IDYOMA: Kahulugan At Mga Halimbawa