Ano Ang Halimbawa Ng Wika Bilang Interaksyunal? (Sagot)
HALIMBAWA NG INTERAKSYUNAL – Maraming barayti ang wika, isa na dito ang interaksyonal. Kaya naman, ating pag-aaralan ang mga halimbawa nito.
Maraming halimbawa sa totoong buhay na makikita para sa uri ng wika na ito. Ang interaksyunal na gamit ng wika ay bumubuo at nagpapanatili ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa.
Bukod rito, ang interaksyunal na gamit ng wika ay mayroong dalawang pangunahing daluyan. Karagdagan, mayroon ring kasanayang kailangang malawan upang mapanatili ang ugnayan ng dalawang o higit pang tao.
Makikita ang halimbawa nito sa simpleng “small talk” o kamustahan. Ito’y naglalaman ng maikling pagbati, palitan, at kuro-kuro. Hindi dapat mahaba ang usapan at nagtatapos sa mga paalam.
Halimbawa: Nakita mo ang kaibigan mo sa mall ngunit kasama niya ang kanyang pamilya, kaya naman nag batian lang kayo at nag paalaman ng mabilisan.
Isa rin sa mga halimbawa nito ang kuwentuhan. Dito, mayroong paksang tinatalakay ang mga tao. Matapos ang kuwento ng isa, maaaring dumagdag ang mga kasama mo sa kwento o kaya’y mag kwento rin ng karanasang may kaugnayan sa paksa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Pang Abay Na Pamanahon At Panlunan? (Sagot)