Paano Nakakatulong Ang Pabula? (Sagot)
PABULA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba nakakatulong ang mga pabula sa pag-aaral ng mga kabataan.
Ang Pabula ay isang kwento kung saan ang mga hayop ay gumaganap ng mga tauhan imbis na mga tao. Kung ating tatanawin, para lamang sa mga kabataan ang mga kwentong ito. Subalit, may mga mahahalgang aral na ipinapahiwatig ang isang pabula.
Sila ay tumutulong sa pag representa ng kultura ng Pilipinas. Bukod rito, ang mga kwento sa pabula ay may taglay na aral na maari nating gamitin sa buong buhay natin.
Nakakatulong rin ang mga pabula sa pag progreso ng kaisipan ng mga kabataan. Ito ay dahil ang karamihan sa mga pangyayari sa isang pabula ay sumasalamin sa mga totoong pangyayari sa buhay.
Maraming pabula na ang na isulat, ngunit, ang ang karamihan sa kanila ay mayroong bida at kontrabida. Nakakatulong ito dahil mas madaling maunawaan ng mga kabataan na dapat nilang sundin ang mga magagandang asal ng mga bida at iwasan ang gawain ng kontrabida.
Higit sa lahat, ang pabula ang nakakatulong lalo na sa mga bata, dahil inienganyo nito ang mga kabataan na mag basa. Sa ganitong paraan, hindi napipilit ang mga kabataang mag-aral. Sila’y masasayahan sa pagbasa ng kwento at parehong makaka kuha ng magandang asal at mahahalagang aral.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Wika Sa Sarili – Paliwanag At Halimbawa