Panahunan Ng Pandiwa: Tatlong Panahunan At Mga Halimbawa

Anu-ano ang panahunan ng pandiwa?

Ang artikulong ito ay naglalayong talakayin ang tatlong panahunan ng pandiwa at magbigay ng iba’t-ibang mga halimbawa.

Sa nakaraang artikulo, natalakay ang kahulugan ng pandiwa at ang mga halimbawa nito. Ang pandiwa ay ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o hayop.

Ito ay may tatlong panahunan, ang Pangnagdaan, Pangkasalukuyan, at ang Panghinaharap.

panahunan ng pandiwa

Ang Pangnagdaan ay tumutukoy sa aspekto na nangyari na o naganap na o kilos o galaw na tapos nang mangyari.

Halimbawa sa pangungusap:

  • Si Ana ay nagwalis sa kanilang bakuran.
  • Hindi ko naabutan ang tindera ng kakanin na dumaan.
  • Nakita ng bata ang nanay niya na umalis.

Sa Pangkasalukuyan, ang pandiwa ay nasa aspekto ng nagaganap sa kasalukuyan o ang kilos ay ginagawa pa.

Halimbawa sa pangungusap:

  • Sa ngayon, naglalayag papuntang kabilang isla ang bangka.
  • Tinatangal ni nanay ang agiw sa kisame.
  • Ang bata ay tumatakbong papalapit sa kaniyang kalaro.

Ang Panghinaharap ay tumutukoy sa aspekto ng kilos kung saan ang pandiwa ay hindi pa nagyayari o gagawin pa lamang.

Halimbawa sa pangungusap:

  • Aayusin ko mamaya ang mga gamit ko sa kwarto.
  • Kapag dumating si nanay, magluluto ang ate ko ng masarap na ulam.
  • Pag-uusapan sa barangay hall ang mga nangyaring gulo sa magkapitbahay.

Narito ang ilang halimbawa ng mga pandiwa sa tatlong panahunan:

  • Sumakay, sumasakay, sasakay
  • Kumain, kumakain, kakain
  • Nagsulat, nagsusulat, susulat
  • Umakyat, umaakyat, aakyat
  • Nanood, nanonood, manonood
  • Sumayaw, sumasayaw, sasayaw
  • Umalis, umaalis, aalis
  • Kumanta, kumakanta, kakanta
  • Naligaw, naliligaw, maliligaw
  • Tumalikod, tumatalikod, tatalikod
  • Nagsinungaling, nagsisinungaling, magsisinungaling
  • Sumigaw, sumisigaw, sisigaw
  • Umikot, umiikot, iikot
  • Bumaba, bumababa, bababa
  • Nagtanim, nagtatanim, magtatanim

Leave a Comment