Ito ang kahulugan ng panitikan, mga uri nito at mga halimbawa
Alamin ang kahulugan ng panitikan, ang mga uri nito at mga halimbawa sa artikulong ito.
Ito ay magsisilbing karagdagang kaalaman, lalo na sa mga mag-aaral na nais matuto ng tungkol sa topiko na ito.
KAHULUGAN
Ang panitikan ay tinatawag ding panulatan. Ito ay mainam na pagsulat na mayanyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. May hugis,may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.
Ang mga halimbawa ng panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya atmga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan,kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
MGA URI
Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantigat pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong.
Nabibilang sa Patula ang mga sumusunod:
– tulang liriko
– tulang pasalaysay
– tulang pangtanghalan
– patnigan
Tuluyan o Prosa – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda.
Nabibilang sa Tuluyan o Prosa ang mga sumusunod:
– maikling kwento
– nobela
– dula
– alamat
– pabula
– talambuhay
– sanaysay
– balita
– editoryal
MGA HALIMBAWA at ang kahulugan ng bawat halimbawa pumunta sa link na ito.
KAUGNAY NA BABASAHIN:
Mga Anyong Lupa (Landforms) Kinds & Definitions
Mga Anyong Tubig (Bodies Of Water) Kinds & Definitions