Reaksyon Sa Pandemya – Ang Pandemyang COVID-19 (Reaksyon)

Ano Ang Reaksyon Mo Sa Pandemya?

REAKSYON SA PANDEMYA – Maraming buhay ang naaapektuhan ng pandemyang ito, marami na ang nawalan ng trabaho, malayo sa mga mahal sa buhay, at namatay dahil sa pandemya.

ANO ANG REAKSYON MO SA PANDEMYANG ITO

Ang buong mundo ay dumaan sa malakip na trahedya sa taon na ito at tila’y lahat tayo’y nabahala at nagtatanong sa ating mga sarili kung papaano natin ito malalagpasan. Itong pandemyang lumalaganap ay hindi natin pisikal na makikita kung kaya’t nagdulot ng pagkatakot sa bawat isa.

Reaksyon Sa Pandemya – Ang Pandemyang COVID-19 (Reaksyon)

Sa simula ng pag usbong ng pandemya sa mundo ay tila hindi pa ito sineryoso ng karamihan at isinawalang bahala na lamang dahil sa kaalamang hindi naman siguro ito makakaabot sa bansa natin. Ngayon, libu-libo na ang kaso sa ating bansa kung saan ang ibang karatig bayan ay unti unti nang bumubuti.

Tunay ngang ang pandemyang ito ay nakakatakot sapagkat buhay ang nakataya rito ngunit mas nakakatakot isipin na ang ating pamahalaan ay walang tiyak na tulong na inilalatag para sa ating mga mamamayan.

Nang nalaman kong kinaya ng ibang bansa na mapabuti ang kanilang kalagayan ay naibsan ang pagkabahalang aking nadarama ngunit binawi rin ito ng sunud-sunod na balita ng mga walang kabuluhang mga aksyon na ginawa ng ating gobyerno upang makatulong sa atin.

Tulong na walang kabuluhan sa kumakalam ang tiyan sa bawat paglipas ng araw sa gitna ng pandemyang ito.Takot ang pangunahing reaksyon ng mga tao sa pandemyang ito ngunit takot nga ba sa nakamamatay na dulot nito o takot na mamamatay na lamang ang tao dahil sa mahinang pamamalakad ng ating gobyerno?

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.

BASAHIN RIN: Pagkakaiba Ng Wikang Panturo At Wikang Opisyal – Newsfeed.ph

Leave a Comment