Heto Ang Halimbawa Ng Slogan Na May Karunungang-Bayan
KARUNUNGANG-BAYAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng slogan na may karunungang-bayan.
Ang mga halimbawa ng slogan na may karunungang bayan ay gagawin natin na may dalawang taludtod at may tugma. Heto ang mga halibmawa:
Ang batang matalino,
nag-aaral ng husto,
Ito’y para hangarin,
ay magkatotoo,
Kaya naman,
dapat kumayod ng husto,
Para ang kahirapan
ay matalo ng buo,
Para igalang ang magulang,
anak ay turuan,
Dapat itong ituro
kahit wala sa paaralan,
Ang kabataan
ay pag-asa ng bayan,
Ngunit kung walang respeto,
Wala itong patutunguan
Kung may tiyaga, may nilaga,
Kaya sarili’y bigyan ng tiwala,
Makakaya mo ang lahat
Kapag ikaw ay magiging tapat
Dahil ang kahirapang ito,
Hindi tatagal ng husto,
Kaya kumayod ka,
Munting anak ko.
Ang gumagawa ng kabutihan,
hindi matatakot sa kamatayan,
Ito’y dahil sa Diyos,
Na dapat hindi tayo mag takutan,
Nakikita niya ang lahat,
Ang kabutihan mo at pagiging matapat,
Kaya walang dapat katakutan,
Dahil hindi ka pababayaan.
Ang di magmahal sa sariling wika,
ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.
Ito ang sabi ni Jose Rizal,
Para sa mga nakababata
Kaya ating mahalin,
Ang ating sariling wikain
At huwag itong ikahiya,
Kahit sa ano mang bansa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Sektor Ng Industriya Halimbawa, Kahulugan At Iba Pa