Ano ang kahulugan ng Tambalang Salita?
Layunin ng artikulong ito ang magpaliwanag ng kahulugan ng Tambalang Salita at magbigay ng mga iba’t-ibang halimbawa.
Ito ay nangangahulugan na ang dalawang salitang payak ay pinagsama at kapag pinagsama ay bumubuo ng bagong salita nagkakaroon rin ng bagong kahulugan.
Mayroon dalawang uri nito. Ang isa ay ang tambalang salita na nananatili ang kahulugan. Ito ay tinatawag rin na tambalang di-ganap. Ang isa naman ay ang tambalang salita na ang kahulugan ay iba sa kahulugan ng dalawang payak na salita na pinagtambal o tinatawag na tambalang ganap.
Ilan sa mga halimbawa ng Tambalang di-ganap ay ang mga salitang, lakbay-aral, balik-bayan, at bahay-ampunan. Samantala ang mga salitang sirang-plaka, pusong-mamon, at balat-sibuyas naman ay mga halimbawa ng Tambalang ganap. Kadalasan ay gumagamit ng gitling sa gitna ng dalawang salitang pinagsama.
Narito ang ilang halimabawa ng mga tambalang salita at ang mga kahulugan.
Bukang-liwayway – mag-uumaga
Madaling-araw – pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway
Taingang-kawali – taong nagbibingi-bingihan
Boses-palaka – pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
Ningas-kugon – sinisimulan ang isang gawain pero hindi tinatapos
Nakaw-tingin – pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
Patay-gutom – timawa, palaging gutom, matakaw
Akyat-bahay – magnanakaw
Agaw-pansin – madaling makakuha ng pansin
Dalagang-bukid – isang uri ng isda
Biglang-yaman – ang pagyaman na nangyari sa maikling panahon lang
Sirang-plaka – paulit-ulit ang sinasabi
Takip-silim – mag-gagabi,
Tubig-tabang – tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at iba pa
Kapit-bisig – nagtutulungan
Matapobre – mayaman na mapagmataas, lalo na sa mga mahirap
hampas-lupa – mahirap
Hating-gabi – eksaktong alas dose ng gabi
Tanghaling-tapat – eksaktong alas dose ng umaga
ningas-kugon – nasa una lang ang paggawa
Balat-sibuyas – iyakin, madiling umiyak
Lakad-pagong – mabagal maglakad
Kapit-tuko – malakas ang kapit
Likas-yaman – mga yaman na nanggagaling sa kalikasan
Tubig-alat – tubig na nanggagaling sa dagat
Agaw-buhay – nasa panganib na mamatay
Bahaghari – “rainbow” sa English
Silid-aklatan – silid kung saan nilalagay ang mga aklat
Bahay-bata – “womb” sa salitang English
Basahin din: Hiram Na Salita: Kahulugan At Mga Halimbawa