Tambalang Salita: Kahulugan At Mga Halimbawa

Ano ang kahulugan ng Tambalang Salita?

Layunin ng artikulong ito ang magpaliwanag ng kahulugan ng Tambalang Salita at magbigay ng mga iba’t-ibang halimbawa.

Ito ay nangangahulugan na ang dalawang salitang payak ay pinagsama at kapag pinagsama ay bumubuo ng bagong salita nagkakaroon rin ng bagong kahulugan.

Mayroon dalawang uri nito. Ang isa ay ang tambalang salita na nananatili ang kahulugan. Ito ay tinatawag rin na tambalang di-ganap. Ang isa naman ay ang tambalang salita na ang kahulugan ay iba sa kahulugan ng dalawang payak na salita na pinagtambal o tinatawag na tambalang ganap.

tambalang salita

Ilan sa mga halimbawa ng Tambalang di-ganap ay ang mga salitang, lakbay-aral, balik-bayan, at bahay-ampunan. Samantala ang mga salitang sirang-plaka, pusong-mamon, at balat-sibuyas naman ay mga halimbawa ng Tambalang ganap. Kadalasan ay gumagamit ng gitling sa gitna ng dalawang salitang pinagsama.

Narito ang ilang halimabawa ng mga tambalang salita at ang mga kahulugan.

Bukang-liwayway – mag-uumaga

Madaling-araw – pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway

Taingang-kawali – taong nagbibingi-bingihan

Boses-palaka – pangit kumanta, sintunado o wala sa tono

Ningas-kugon – sinisimulan ang isang gawain pero hindi tinatapos

Nakaw-tingin – pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman

Patay-gutom – timawa, palaging gutom, matakaw

Akyat-bahay – magnanakaw

Agaw-pansin – madaling makakuha ng pansin

Dalagang-bukid – isang uri ng isda

Biglang-yaman – ang pagyaman na nangyari sa maikling panahon lang

Sirang-plaka – paulit-ulit ang sinasabi

Takip-silim – mag-gagabi,

Tubig-tabang – tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at iba pa

Kapit-bisig – nagtutulungan

Matapobre – mayaman na mapagmataas, lalo na sa mga mahirap

hampas-lupa – mahirap

Hating-gabi – eksaktong alas dose ng gabi

Tanghaling-tapat – eksaktong alas dose ng umaga

ningas-kugon – nasa una lang ang paggawa

Balat-sibuyas – iyakin, madiling umiyak

Lakad-pagong – mabagal maglakad

Kapit-tuko – malakas ang kapit

Likas-yaman – mga yaman na nanggagaling sa kalikasan

Tubig-alat – tubig na nanggagaling sa dagat

Agaw-buhay – nasa panganib na mamatay

Bahaghari – “rainbow” sa English

Silid-aklatan – silid kung saan nilalagay ang mga aklat

Bahay-bata – “womb” sa salitang English

Basahin din: Hiram Na Salita: Kahulugan At Mga Halimbawa

Leave a Comment