Horoscope, December 28, 2018 and Your Fate This 2019

Here’s your horoscope for this day, December 28, 2018 and your fate for next year, 2019.

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy-tuloy ang iyong suwerte sa taong 2019, lalo sa aspetong ng career at pag-ibig. Sa career, may mga pangingibang–bansang itatala; habang sa pag-ibig, maaaring isang foreigner ang iyong makaisang-dibdib. Lucky Numbers:1, 18, 23, 38, 42 at 47. Mantra: “Sucti-Suras-Asuras-Om.” Colors: Yellow & Lilac

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pagpasok ng 2019 huwag bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan. Panahon na para magtipid. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo sa sandaling nalaman niyang marami ka na pa lang savings. Lucky #s: 8, 10, 28, 32, 35 at 43. Mantra: “Agla-Aum-Aum.” Colors: Yellow & Green.

Taurus – (April 20-May 20) — Upang maging lubos ang ligaya, huwag ubusin ang pera sa pagpapasarap. Magtira para sa kinabukasan! Sa pag-ibig, paglaanan ng ibang araw ang espesyal na date ninyo ng kasuyong matanggal nang nanabik sa iyo. Lucky #s: 5, 9, 23, 32, 41 at 47. Mantra: “Agiel- Zazel-Yophiel.” Colors: White & Blue

Gemini – (May 21-June 21) — Sa taong 2019 ay iwasan ang mga kumplikadong transaksyon. Sa pag-ibig, ayain ang kasuyo sa mga lugar na malapit sa nature upang lalong uminit at sumigla ang pagmamahalan. Lucky #s: 7, 16, 25, 36, 42 at 49. Mantra: “Sari-Kara-Carya-Om.” Colors: Pink & Green

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pagpasok ng taong 2019 ay hindi awa ang dapat pairalin kundi ang pagiging mukhang salapi upang mas madaling umunlad. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang mananaig, paano ka makakaroong peace of mind? Lucky #s: 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Colors: Black & Green

Leo – (July 23 – August 22) — Iwasang magdalahira! Imbes na maging pera ay magiging bato pa kung pakikialaman at ikukuwento mo na naman ang buhay ng iba. Kung ayaw mong mapagtsismisan ay huwag mo ring nakialam sa buhay ng iyong kapwa. Lucky #s: 2, 9, 20, 29, 31, at 49. Mantra: “Aum-Kedemel-Hagiel-Om.” Colors: Yellow at violet ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pagpasok ng 2019 ay iwasang makisawsaw sa gawain ng iba. Ang sariling proyekto ang atupagin upang mas madaling umunlad. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili kapag marami kang pera. Lucky #s: 6, 9 19, 27, 39 at 42. Mantra: “Mandala-Ketu-Ayin.” Colors: Purple & magenta

Libra – (September 23-October 23) — Gawing New Year’s resolution ang pag-iipon. Mag-ipon para sa kinabukasan ng iyong pamilya. Sa pag-ibig, i-sacrifice ang sariling kaligayahan alang-alang sa iyong kasuyo na mareklamo at mapag-hanap. Lucky #s: 2, 17, 25, 34, 41 at 43. Mantra: “Yod-He-Vau-We.” Colors: Green at orange

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pakikisalamuha sa lipunan sa 2019 ay mas madali kang uunlad. Tularan mo ang aso, mahilig maglalabas ng bahay. Sa pag-ibig? utusan mo ang iyong kasuyo sapagkat tiyak naman siyang susunod sa iyo. Lucky #s: 9, 18, 23, 27, 45 at 48. Mantra: “Name-Narada-Name-Om.” Colors: Beige at purple

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sundin ang sinasabi ng damdamin at intuition! Sa pag-ibig, ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Lucky #s: 6, 15, 24, 36, 42 at 47. Mantra: “Veda-Rata-Vada-Om.” Colors: Pink at silver

Capricorn – (December 22 – January 19) — Ituloy ang kasalukuyang hanapbuhay at dagdagan pa ang pagsisipag, hindi mo ba napapansin malapit na malapit ka nang yumaman? Sa pag-ibig, hindi dapat makialam ang kasuyo sa iyong diskarte. Oo, ikaw ang dapat na laging nasusunod. Lucky #s: 5, 18, 27, 35, 42 at 48. Mantra: “Dhar-Masya-Om.” Colors: Purple at lilac

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa 2019 ay layuan ang mga kaibigang inuuto at binobola ka lang. Matutong mamuhay nang hindi na nakasandal sa ibang tao ang iyong kaligayahan. Walang ibang magiging tapat sa iyo kundi ang kasuyong Gemini. Lucky #s: 4, 10, 19, 25, 27, 43 at 45. Mantra: “Aum, Trium, Savitra-Om.” Colors: Silver at yellow

Leave a Comment