Pambansang Teritoryo Ng Pilipinas Ayon Sa Doktrinang Pangkapuluan

Hanggang saan ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ayon sa doktrinang pangkapuluan?

PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINAS – Ang doktrinang pangkapuluan ay likhang guhit na pinapakita ang sakop ng kabuuang teritoryo ng bansa.

Ano ang teritoryo? Ito ay tumutukoy sa kabuuang lawak at hangganan na sakop ng isang lugar at dito malalaman ang sakop na lugar ng isang estado ayon sa hurisdiksyon. Ang Pilipinas, bilang isang arkipelago na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya, at may mga saligang batas at ayon sa kasaysayan na nagtatakda ng hangganan ng bansa.

Pambansang Teritoryo Ng Pilipinas

Mahalaga na matiyak ang pambansang teritoryo ng isang bansa upang tiyakin na walang dayuhan ang makikialam sa bansa. Mayroong ayon sa kasaysayan at ayon sa saligang batas.

Ito naman ang nasasaad ayon sa doktrinang pangkapuluan.

Ang doktrinang pangkapuluan o archipelagic doctrine ay ang likhang guhit na nagsasaad ng hangganan ng teritoryo ng Pilipinas kasama ang teritoryong karagatan para maprotektahan ang pamumuhay ng mga mamamayan na nakatira dito.

Ang United Nations Convention on the Law of the Sea o Kumbensiyon ukol sa Batas ng Dagat ng Mga Nagkakaisang Bansa o UNCLOS, tinatawag din na Law of the Sea Convention (Kumbensiyon sa Batas ng Dagat). Ito ay naglalayon ng pandaigdigang kasunduan resulta ng ikatlong United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS III), na nangyari mula 1973 hanggang 1982. Itinatakda nito na ang mga karapatan at pananagutan ng mga bansa kaugnay sa paggamit ng mga karagatan ng daigdig, pagtaguyod ng mga alituntunin sa mga negosyo, at pamamahala ng likas na yamang dagat.

Ang UNCLOS ay nagkabisa noong 1994, at sa kasalukuyan ay umiiral ang 200 milyang patakaran sa teritoryong pangkaragatan.

Ayon sa Doktrinang Pangkapuluan, kasama sa teritoryo ng bansa ang mga sumusunod:

  • kapuluan ng Pilipinas
  • lahat ng pulong pag-aari nito
  • mga bahaging tubig na sakop ng guhit na nagdurugtong sa pinakalabas na bahagi ng pulo
  • kalawakan sa itaas
  • ilalim ng lupa
  • ilalim ng dagat
  • mga yamang matatgpuan dito

Leave a Comment