Pambansang Teritoryo Ng Pilipinas Bilang Isang Arkipelago

Alamin ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ayon sa mga batas na ito.

PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINAS – Bilang isang mahalagang elemento ng isang estado, ito ang lawak at hangganan ng bansa.

Ang Pilipinas ay isang arkipelago at ang nasasakupan ng bansa ay nasasaad sa kasaysayan, sa saligang batas, at sa doktrinang pangkapuluan. Ito ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya at may lawak na lupaing 300,000 kilometro kwadrado. Sa kabuuan lawak ay 1,208,986 kilometro kwadrado.

Pambansang Teritoryo Ng Pilipinas

Ang teritoryo ng bansa:

Ayon Sa Kasaysayan

  • Kasunduan sa Paris o Treaty of Paris – isang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya sa Paris
  • Kasunduan sa Washington o Washington Treaty – kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya
  • Arbitrasyon ng Pulo ng Palmas – ipinasakorte ng Pilipinas at Netherlands ang karapat-dapat na umangkin ng Palmas Island
  • Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya – ang Estados Unidos at Gran Britanya ay nagkasundo sa hangganan ng Hilagang Borneo
  • Ang Konstitusyon ng 1935 – naging bahagi ng Pilipinas ang Batanes.
  • Atas ng Pangulo Bilang 1596 – nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Atas ng Pangulo Bilang 1596 na umaangkin sa Kalayaan o Spratly Islands at Panatag o Scarborough Shoal

Ayon Sa Saligang Batas

  • Saligang Batas ng 1935 Artikulo I, Seksyon 1; Saligang Batas ng 1973 Artikulo I, Seksyon 1; 1987 Kontitusyon ng Pilipinas Artikulo I, Seksyon 1 – isinasaad na ang teritoryo ng bansa ay binubuo ng lahat na ipinagkaloob ng Estados Unidos sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris, Kasunduan sa Washington, at Kasunduan sa Great Britain.
  • Republic Act No. 3046 ng 1961; Republic Act No. 5446 ng 1968; at Republic Act No. 9522 ng 2009 – nakalahad ang batayang-guhit nagsasaad ng tiyak na hangganan ng teritoryo ng Pilipinas kasama na ang mga karagatan na nakapaligid dito at mga kapuluan gaano man kalawak o kalalim.

Ayon Sa Doktrinang Pangkapuluan

Nakasaad dito na ang mga sumusunod ay sakop at pag-aari ng bansa:

  • kapuluan ng Pilipinas
  • lahat ng pulong pag-aari nito
  • mga bahaging tubig na sakop ng guhit na nagdurugtong sa pinakalabas na bahagi ng pulo
  • kalawakan sa itaas
  • ilalim ng lupa
  • ilalim ng dagat
  • mga yamang matatgpuan dito

Leave a Comment