Gawain 3 Ipaliwanag Mo Filipino Module (Sagot At Paliwanag)
GAWAIN 3 IPALIWANAG MO – Sa paksang ito, ating sasagutin ang mga tawanungan sa Gawain 3, at magbibigay ng kahulugan nito.
Sa Filipino na module, ating makikita sa Gawain 3 ang isang imahe ng babaeng may dalang talaro at espada. Ito rin ay nakalagay sa harap ng papel at pluma.
Ang babaeng nasa imahe ay kilala bilang si “Lady Justice” sa Ingles. Hindi man ito makikita sa module, pero si Lady Justice ay nakapiring. Ngunit, hindi ito sumisimbolo ng kanyang pagkabulag sa hustisya. Ito ay sumisimbolo na si Lady Justice ay walang pinipili, mayaman ka man o ma hirap.
Para sa kanya, pantay ang lahat sa harap ng batas. Kaya naman, hindi mahalaga kung ano ang kaanyuan at katayuan ng isang tao sa kanyang buhay. Ang timbang naman na kasama niya ay ginagamit para maipakita ang pagkapantay ng proseso ng batas.
Ang espada naman niya ang nagsisilbing simbolo para sa kahatulan ng taong nasa mali. Sa imahe sa Ipaliwanag Mo, may makikita rin tayong pluma at papel. Ito ay sumisimbolo ng pagsulat ng batas o kaya’y ang mga batas na isinulat na dapat nating sundin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
Basahin rin: Impormal Na Sektor Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito