Ano Ang Mga Halimbawa Ng Tema Sa Kwento? (Sagot)
TEMA SA KWENTO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng tema sa kwento at ang kahulugan ng mga ito.
Alam nating lahat na ang lahat ng kwento ang mayroong tema na nakapaloob. Bukod rito, may iba’t-ibang halimbawa ng mga tema na makikita. Pero, ano nga ba ang tema sa kwento?
Ang tema ay isa sa mga sangkap ng kwento. Tinatawag din itong paksa. Ito ang sentral o pangunahing ideya o pangkalahatang pangkaisipan na nakapaloob sa kwento.
Ngunit, ating dapat tandaan na ang tema at paksa ay magkakaibang bagay. Halimbawa, sa kwentong “Jurassic Park”, ang paksa ay ang mga “dinosaurs”. Ngunit, ang tema naman ay “huwag pag-tripan ang inang Kalikasan”.
Isa rin sa mga tema nito na maaaring maipalawak ay ang kasakiman ng mga tao na nag dulot sa mga masasamang experimento.
Isa pang halimbawa ay ang kwentong “Ang Sapatero at mga Duwende”. Ang tema ng kwento ng Ang Sapatero at mga Duwende ay ang pagbabalik ng utang na loob sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa’yo kahit hindi man ito hinihingi.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Paano Magagamit Sa Iyong Strand Ang Barayti Ng Wika? (Sagot)
Kapatid