Ano ang kahulugan ng Pagsasalaysay?
PAGSASALAYSAY – Ang artikulong ito ay nagtatalakay ng kahulugan ng pagsasalaysay, mga halimbawa, at mga uri.
Bahagi na ng buhay ng tao ang magbahagi ng kwento tungkol sa ibat’-ibang karanasan na kaniyang pinagdaanan sa buhay. Sa pamamagitan ng pagsasalaysay, naibabahagi ng tao ang mga pangyayaring ito sa isang maayos at organisadong pamamaraan. Nararapat ring isaalang-alang ang aspeto ng tamang gramatika, diskorsal, at estratehiya.
Sa aspeto ng gramatika, kailangan ang tamang paggamit ng mga patakaran sa pagbuo ng mga pangungusap. Ang diskorsal ay ang paggamit ng wika sa pagsasalita at pagsusulat upang makabuo ng kahulugan at maayos na pagpapahayag. Sa estratihya, nangunguhulagan ito ng paggamit ng nagsasalita ang iba’t ibang uri ng komunikasyon, maging berbal o hindi berbal, upang maihatid nang malinaw at maayos ang mensaheng nais iparating.
Sa ganitong paraan ng pagbabahagi ng pangyayari, maaring magkwento sa paraan ng pasulat o pasalita. Ito ang mga halimbawa nito.
- Maikling Kuwento – Isang pangyayari, kalakaran, o sitwasyon sa buhay ng mga tauhan at ito naglalayong magdulot ng aliw, aral, o kasiyahan sa mga mambabasa.
- Tulang Pasalaysay – Tula na nagkukuwento tungkol sa isang pangyayari, alamat, o kasaysayan at karaniwang binubuo ng mga saknong na may sukat at tugma.
- Dulang Pandulaan – Itinatanghal sa entablado at naglalaman ng mga tauhan, tagpuan, at diyalogo na naglalahad ng mga pangyayari at konflikto.
- Nobela – Isang mahabang pagsasalaysay na nahahati sa mga kabanata at ito ay karaniwang naglalahad ng mga kumplikadong pangyayari, tauhan, at problema na nagpapakita ng iba’t ibang aspeto ng buhay.
- Anekdota – Isang maikling pagsasalaysay na batay sa tunay na mga pangyayari at karaniwang nagpapakita ng kakaiba, nakatutuwang, o kahalagahan ng isang sitwasyon o karanasan.
- Alamat – Naglalahad ng pinagmulan ng isang bagay, lugar, o pangyayari at karaniwang may mga elemento ng mito, kathang-isip, at tradisyon sa ganitong uri ng pagsasalaysay.
- Talambuhay – Tumatalakay sa buhay ng isang tao at naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari, tagumpay, at pagsubok na naranasan ng isang tao mula sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang wakas.
- Kasaysayan – Naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari, kaganapan, at pagbabago sa buhay ng mga tao, lugar, o bansa at nagtataglay ng mga katotohanan, datos, at ebidensya upang masuri at matukoy ang pag-unlad ng isang lipunan
- Tala ng Paglalakbay – Tinatawag rin na “travelogue” at ito ay naglalahad ng karanasan, pakikipagsapalaran, at paglalakbay sa ibang lugar.