Ano ang mga halimbawa ng pang-ugnay?
Ang artikulong ito ay nagtatalakay ng kahulugan ng pang-ugnay at nagbibigay ng ibat-ibang halimbawa na magagamit sa paggawa ng pangungusap.
Ang terminong ito ay tumutukoy sa bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, sugnay, o pangungusap. Mayroong tatlong uri nito na tinatawag na pangatnig, pang-angkop, at pang-ukol. Ginagamit ang mga salitang ito upang pagdugtungin ang mga salitang magkaugnay.
Uri at mga halimbawa
Pangatnig
Ito ang tawas sa pang-ugnay na nag-uugnay ng salita sa kapuwa salita, parirala sa kapuwa parirala, sugnay sa kapuwa sugnay, o pangungusap sa kapuwa pangungusap. Mayroong uri sa ilalim nito.
- Pamukod – sa pagpili, pagtatakwil, pagbubukod, o pagtatangi, ito ang ginagamit. Halimbawa: o, ni, maging, at ma.
- Panimbang – ito ay ginagamit para sa dalawang salita o kaisipan na magkasinghalaga. Halimbawa: at at saka.
- Panubali – sa pagsasabi ng pag-aalinlangan, ito ang gingamit na uri. Halimbawa: kung, kapag, tila, at sana
- Paninsay – gingamit ang uri na ito para sa mga magkasalungat. Halimbawa: ngunit, subalit, at samantala
- Pananhi – sa pangngatwiran ay ito ang ginagamit. Halimbawa: dahil sa, sanhi ng, sapagkat, at palibhasa
- Panapos – ito ay nagpahiwatig ng pagtatapos. Halimbawa: sa wakas at sa lahat ng ito
- Panlinaw – Sa pagpapagpaliwanag ng bahagi o kabuuan, gamitin mo ang uri na ito. Halimbawa: kung gayon, samaktwid, at sa madaling salita
Pang-angkop
Sa ganitong pag-uugnay ng mga salita, ginagamit and ng, na, at -g para mas umagos ang mga salita katulad na lamang sa “magandang dilag.”
Pang-ukol
Ito naman ay ginagamit sa pagtukoy ng pinagmulan o patutunguhan, kinaroroonan o pinagkakaroonan, at pinangyayarihan o kinauukulan ng isang kilos.
Basahin din: PANGHALIP: Kahulugan, Uri At Halimbawa